Monday, May 17, 2021

AMA, AKO’Y DUMUDULOG (O Master, Let Me Walk with Thee)

  115

AMA, AKO’Y DUMUDULOG
(O Master, Let Me Walk with Thee)

Ama, ako’y dumudulog 
Sa mayaman Mong pag-irog,
Sumasamo akong lubos, 
Kahabagan ang pagluhog.

Ama, ako’y marapating 
Sa sala ay patawarin,
Nagsisisi akong tambing 
Sa masama kong isipin.

Jesus, ako’y Iyong bigyan 
Ng pusong may kalinisan,
Isang pusong hinugasan  
Sa Korderong dugong banal.

Diwang Banal, panahanan, 
Puso ko ng kabanalan.
Ang buo kong kabuhayan 
Ay dalisayin Mong tunay.


Musika:  HBaker



NAIS KONG SABIHIN ANG AKING ISIPAN (No One Ever Cared Like Jesus)

  114

NAIS KONG SABIHIN ANG AKING ISIPAN
(No One Ever Cared Like Jesus)

Nais kong sabihin ang aking isipan 
Magmula nang S’ya’y aking matagpuan,
Kung paanong nabago ang aking buhay 
Dahil sa banal Niyang pagmamahal.


Koro:
Oh walang kasing tamis lumingap, 
Tulad ni Cristong mapagliyag,
Oh, wala nang tanging makapag-iingat
Liban sa Mangliligtas.

Ang buhay ko ay tigib ng kasalanan 
At puso’y sakbibi ng agam-agam
Nguni’t nang kamay ko ay Kanyang hawakan,
Nagliwanag ang daang nilalakbay.

Araw-araw ay may bagong katiyakan 
Ang hiwaga ng Kanyang pagmamahal,
Nguni’t ang sanhi ay di ko malaman
Hanggang S’ya ay makita nang mukhaan.


Titik:  AGCabildo
Musika:  CFWrigle



Saturday, May 8, 2021

AMA NAMIN (The Lord’s Prayer)

 111

AMA NAMIN
(The Lord’s Prayer)

Ama namin sa kaitaasan 
Banalin ang ngalan 
Kaharian ay dumatal 
Gawin ang ‘Yong kalooban.
Bigyang pala araw-araw 
Patawarin ang aming mga kasalanan
At sa tukso ay h’wag tulutan 
Iligtas sa kasamaan 
Iyo ang kaharian, kapangyarihan,
Kal’walhatian kailan pa man. Amen.

Titik:  AGCabildo                                                    
Musika:  AHMalotte



KUNG SI JESUS ANG AKING KASAMA (O that Will Be Glory)

 110

KUNG SI JESUS ANG AKING KASAMA
(O that Will Be Glory)

Kung si Jesus ang aking kasama, 
Ako’y ligtas sa mga pangamba;
Malapit lamang ako sa Kanya, 
Ang ligaya ko ay walang hangga.

Koro:
Ligaya ko’y (Ligaya ko), 
Walang hangga (walang hangga),
Ligaya ko (ligaya ko) 
Kung makita (kung makita)
Ang mukha Niyang kaayaaya, 
Kaligayahan ko’y walang hangga.

Ang kaligtasan na walang hanggan,
Sa akin ay laging nakalaan;
Kung sapitin ang langit na bayan,
Kakamtin ko’y walang hanggang buhay.

Sisikapin kong ito’y matanggap,
Doon sa aking Tagapagligtas,
Upang kung dumating na ang wakas,
Maligayang sa Kanya’y haharap.

LAKAD TAYONG HUKBO NG DIOS (Even at the Door)

 109

LAKAD TAYONG HUKBO NG DIOS
(Even at the Door)

Lakad tayong hukbo ng Dios, 
At labanan nating lubos,
Kasalanang naglulugmok 
Sa pighati’t lungkot.

Koro:
Sa pinto, sa pinto, 
Sa pinto’y naroon si Jesus,
Nakahandang pumatnugot, 
Sa digma’y h’wag matakot.

Balita ng pagbabalik 
Ni Cristo ay maririnig, 
Di lalao’t mamamasid, 
Mal’walhating langit.

Magsikakp ng walang patid, 
Kaligtasan ay ihatid,
Ibalita sa daigdig, 
Ang Dios ay pag-ibig.

TAYO’Y MAGLAKBAY SA CANAAN (Marching On To Canaan)

 106

TAYO’Y MAGLAKBAY SA CANAAN
(Marching On To Canaan)

Tayo’y maglakbay sa Canaan, si Jesus ang kaakbay,
Sa dakong ilang na daanan, lagi S’yang kaagapay,
Sa hirap o sa panganib, tayo’y di maaamis,
Si Cristo ang tatangkilik, sa daa’y maghahatid.

Koro:
Di magbabago
Paglakad sa saganang lupa ng Canaan;
Di magbabago 
Si Cristo sa atin ay pumapatnubay;
Di magbabago 
Paglakad sa saganang lupa ng Canaan;
Di magbabago 
Sa paglakad sa masiglang paglalakbay.

Sa dakong ilang na nilakad ang mana ay tinanggap,
Tulad sa hamog kung malaglag, sa daa’y kumakalat
Tubig na pamawing uhaw, galing sa Batong Buhay,
Sa pagkai’y di kinulang sa mahabang nilakbay.

Dagat at ilang ang nilakbay tungong lupang Canaan,
Gatas at pulot na dalisay masaganang kinamtan,
Sa araw’y haliging ulap, at ningas sa magdamag.
Ang patnubay na liwanag sa nilakad na landas.

Tayo ay lumakad nang datnin, langit nating mithiin,
Hirap ay h’wag alintanahin, si Jesus ay kapiling.
Ang lupang pangako’y atin, tayo’y di maninimdim,
Kung puso’y ialay natin, ang l’walhati’y kakamtin.


Titik:  ObMBValdez

TINIG NG PAG-AAWITAN (Mine Eyes Have Seen the Glory)

 103

TINIG NG PAG-AAWITAN
(Mine Eyes Have Seen the Glory)

Tinig ng pag-aawitan ang siyang naririnig,
Kawal ng katotohanan ang siyang nananaig;
Sa larangan ng digma ang bandila ay pag-ibig;
Hayo’t makisanib.

Koro:
Lakad-lakad h’wa umurong,
Si Jesus ang S’yang katulong;
Lakad-lakad magpatuloy,
Tagumpay mayroon!

Hukbo ng kalalakihan ang siyang nangunguna,
Sa lahat ng gawaing nauukol sa Iglesia;
Ang mga kababaihan ang siyang pngalawa,
Hayo’t makisama!

Kabataan maglingkod sa piling ng Panginoon,
H’wag ka nang magpaliban pagkat ngayon ang panahon, 
Di ka dapat mangamba ang Dios ang laging tutulong; Lakad magpatuloy!

Pagtulungang itatag ang kaharian ni Jesus,
Kawal ng kasamaa’y piliting lansaging lubos:
Upang makalaya ang kaluluwang nakagapos,
Hayo’t makihamok!

Musika:  Wsteffe
 





Friday, May 7, 2021

SI JESUS SAAN MANG DAKO KASAMA (Anywhere With Jesus)

 101

SI JESUS SAAN MANG DAKO KASAMA
(Anywhere With Jesus)

Si Jesus saan mang dako kasama,
Ay ligtas ako sa hirap at dusa,
Kung saan wala S’ya ay di sasala
Na walang mararanasang ginhawa.

Koro:
Kung Siya’y kaakbay, kahit na saan,
Kahit na saan ay may kaligtasan.

Dahil kay Jesus ay di magdaramdam,
Na talikdan ng mga kaibigan,
Ang Kanyang kamay ang sa ‘ki’y tatangan
At saan  man ay may kapanatagan.

Kahit na maghari ang kadiliman,
Sa kandungan N’ya’y payapang hihimlay,
At kung magising sa kabilang buhay
Ay kapiling N’ya sa kal’walhatian.


Titik:  ObLGTrinidad
Musika:  KKaiser





SA DIGMA’Y PATNUBAY NATIN SI JESUS (Forward)

 100

SA DIGMA’Y PATNUBAY NATIN SI JESUS
(Forward)

Sa digma’y patnubay natin si Jesus,
Hindi masisinsay ang Kanyang utos,
Mangyayaring balak N’ya’y di matarok
Nguni’t tayo’y susunod.

Koro:
Sulong, sulong ating lakbayin,
Sulong, sulong nasang lupain,
Sulong, sulong ating awitin
Ang tagumpay, sa Hari natin.

Lakas ng kalaba’y di mananaig, 
Si Cristo’y sandatang siyang panglupig,
Ang tabak ng Diwang Banal ang gamit,
Sunding walang tigatig.

Digma’y magngalit ma’y di magluluwat  
Samahan natin ang hukbong mapalad,
Awit ng tagumpay ang ihahayag,
Kung sunding walang liwag.


Titik:  VDDiolanda
Musika:  GCTullar


KUNG ANG BUHAY MO AY GIYAGIS (Count Your Blessings)

 96

KUNG ANG BUHAY MO AY GIYAGIS
(Count Your Blessings)

Kung ang buhay mo sa twina’y giyagis, 
At ang puso mo ay laging may hapis,
Alalahanin mo ang Dios sa langit,
May dulot na biyaya at pag-ibig.

Koro:
Ang biyaya N’ya ay bilangin, 
(Ang mga biyaya N’ya ay bilangin,)
Pag-ibig Niya ay alalahanin, 
(Pag-ibig Niya ay alalahanin)
Ang pag-ibig N’ya’y lasapin, 
 (Ang Kanyang pag-ibig)
Ang pagibig Niya’y gunamgunamin

Kung mahirap man ang ‘yong kabuhayan, 
At ikaw ay parating nalulumbay,
Pag-ibig N’ya’y alalahaning tunay,
Ang lungkot mo’y magiging kasayahan.

Kung ang kapwa ay may kaginhawahan,
At ikaw’y salat sa maraming bagay,
H’wag ikalungkot ang ‘yong kalagayan,
Nalalaman ng Dios ang iyong buhay.

Kung ang dusa’t hapis ang naghahari,
H’wag matakot, S’ya’y kapiling mong lagi,
Ang suliranin mo ay isangguni,
At kahirapa’y magiging l’walhati

Titik:  PVAbesamis
Musika;  EOExcell




DIOS AY MOOG NA MATATAG (A Mighty Fortress Is Our God)

 97

DIOS AY MOOG NA MATATAG
(A Mighty Fortress Is Our God)

Dios ay moog na matibay, 
Kutang di maihahapay;
Tulong sa sakit sa buhay, 
Sa lahat nagtatagumpay.
Ang ating kalaban, 
Sa ‘ti’y nakaabang;
Lubhang mapaglalang, 
Poot naglalatang,
Sa lupa’y walang katambal.

Kung aasaha’y sarili, 
Sadyang walang mangyayari,
Kung hindi natin kawaksi 
Pili ng Dios na lalaki.
At sino nga ito?  
S’ya si Jesu Cristo, 
Ang Puno ng Hukbo, 
Hindi magbabago,
Sa laban ay mananalo.

Mundo  man, ng diablo’y tigib, 
Sa ati’y nasang lumupig, 
Walang takot, Dios ay nais, 
Katotohana’y manaig.
Ang hari ng lagim, 
Walang lakas sa’tin,
Galit n’ya’y tiisin, 
Wakas n’ya’y darating,
‘Sang kataga’y aaringking.

Katagang tigib ng bisa, 
Nangingibabaw sa madla;
Atin ang Diwa’t biyaya 
Ng sa ati’y nagpapala.
Lahat na’y mawala, 
Buhay ma’y mapatda
Katawa’y masira; 
Dios ang pag –aadya,
Hari ng langit at lupa.


Titik:  VGCabildo
Musika:  MLuther





Thursday, May 6, 2021

KAWAL NG KRUS, MAGBANGON (Stand Up, Stand Up for Jesus)

96

KAWAL NG KRUS, MAGBANGON
(Stand Up, Stand Up for Jesus)

Kawal ng krus, magbangon, si Cristo ay sundan;
Banal Niyang bandila’y ating iwagayway.
Hukbo’y pangungunahan sa pananagumpay,
Hanggang Kanyang masupil ang bawa’t kaaway.

Tindig, tindig, O kawal, tambuli ay dinggin;
Sa pakikipaglaban, hayo’t magtumulin;
Kalaba’y di mabilang, dapat na lupigin,
Ang puso ay tapangan, Dios ay kasi natin.

Kawal ng Dios, magbangon, sa Kanya manangan,
Lakas ay lumilipas ng bisig na laman;
Gamitin ang baluti ng aral na banal,
Pagtawag ng tungkulin, h’wag kang magkukulang.

Tindig, tindig, O kawal, laba’y di lalawig,
Paglipas ng digmaan, Bayani’y titindig,
Putong ng karangalan, kanyang makakamit,
At s’ya’y makakapiling ng Hari ng langit.



Titik:  VGCabildo
Musika:  GJWebb



ANG DIGMAA’Y NAGLALATANG (The Fight Is On)

94

ANG DIGMAA’Y NAGLALATANG
(The Fight Is On)

Ang digmaan sa laranga’y naglalatang 
Makihamok ang isinisigaw,
Hukbo nati’y magwawagi sa labanan, 
Ang tagumpay Niya’y mamamasdan.

Koro:
Ang digmaan ay naglalatang, 
Sulong, O Kristianong kawal,
Ang kagayakan ng kabanala’y 
Panglupig sa kasamaan.

Sa digmaa’y h’wag manglupaypay, 
Lakas Niya’y panghawakan,
Kung Dios ay atin, maaasahang 
Aawitin ang tagumpay.


Naghahamok, mga kawal, magbalikwas, 
Nangunguna ang Tagapagligtas,
Isakbat mo ang baluti at kalasag,
Sa lakas N’ya ay magpakatatag.

Panginoon ang patnugot sa tagumpay, 
Bahagharing tipa’y kumikinang,
Pupurihin ang dakila N’yang pangalan,
Magniningning ang kapayapaan.



Musika:  CHMorris


SI JESUS ANG SIYANG DAAN (Rock of Ages)

93

SI JESUS ANG SIYANG DAAN
(Rock of Ages)

Si Jesus ang S’yang daang marapat na lakaran;
Di ako maliligaw sa landasin ng buhay;
Sa gitna ng karimlan, Ilaw na tumatanglaw.

Hanggang may lakas ako, may tibok ang puso ko,
Susundin Kang totoo kahit saan mang dako
 Na ako’y isugo Mo dahil sa Ebanghelio.

Ihahandog kong tunay kalul’wa at katawan,
Dunong at kayamanan, hanggang sa kamatayan; 
At ako’y laging laan, o Jesus, aking mahal.


Titik:  Ob.Fgregorio
Musika:  THastings



SA IYO, O AMA (Blest Be the Tie that Binds)

90

SA IYO, O AMA
(Blest Be the Tie that Binds)

Sa Iyo, O Ama, ay tumatalaga 
Ngayon sa aming pagsamba, Ikaw ang manguna

Kami’y dumudulog, sa ngalan ni Jesus,
Puso ay linising lubos ng dugong umagos.

Sa pagwawagayway ng banal Mong aral, 
Nawa sa ami’y ibigay, Espiritung Banal.

Tulong Mo’y igawad, magkaisang lahat,
Maging ilawang ningas, magpahanggang wakas.
Amen.



Titik:  PdeGuzman
Musika:  HGNageli


ANG BUHAY AY ORAS NG GALAK (Singing Along)

88

ANG BUHAY AY ORAS NG GALAK
(Singing Along)

Ang buhay ay oras ng galak at ganda 
May awit na masigla;
Maging sa panunungkula’t pagdurusa 
Ay makaaawit ka.

Koro:
Umaawit sa kagalakan, 
Umaawit habang naglalakbay;
Umaawit sa kalungkutan, 
May awit kay Cristong Dios na tunay.

Ang Dios ay purihin natin sa pag-awit 
Dahil sa pagtangkilik;
T’wing tayo’y magpapailanglang ng tinig 
Tayo ay dinirinig.

Makisama sa aming pag-aawitan 
Kay Cristong Dios na tunay;
Bawa’t hakbang mong Kanyang liliwanagan, 
May awit ka ng buhay.



Titik:  LSSarmiento


SA PUSO’Y MAY SINAG-ARAW (There Is Sunshine In My Soul Today)

84

SA PUSO’Y MAY SINAG-ARAW
(There Is Sunshine In My Soul Today)

Sa puso’y may sinag araw, 
Laging tumatanglaw;
Liwanag, walang kapantay, 
Si Cristo ang ilaw.

Koro:
Mal’walhating sinag-araw, 
Bawa’t oras na nagdaraan;
Kung si Cristo’y masilayan, 
Laging may sinag-araw.

May awit sa aking dibdib, 
Sa Hari’y may awit;
Biyaya ang sinasambit, 
Dahil sa pag-ibig.

Ligaya na di malirip, 
Pag-asa’t pag-ibig; 
Ang sa aki’y hahatid 
Sa lunggating langit.



Titik:  AGCabildo
Musika:  JRSweney




KAY LIGAYA KUNG AKO’Y NAGLILINGKOD (In the Service of the King)

 83


KAY LIGAYA KUNG AKO’Y NAGLILINGKOD
(In the Service of the King)

Kay ligaya kung ako’y naglilingkod 
Sa Hari  kong Manunubos;
Kapayapaa’t kagalaka’y lubos, 
Kung ako’y naglilingkod.

Koro:
Kung ako’y naglilingkod, 
Ang buong kaya’y handog;
Ang tuwa’y di matatapos 
Kung sa Kanya’y maglingkod.


Ang tinatangkilik ko ay dadalhin 
Kay Jesus na aking giliw;
May galak, kapayapaan at aliw 
Na walang pagmamaliw.

Ang patnubay ng Kanyang mga kamay, 
Ang sa aki’y nagbabantay,
At ako’y panatag sa paglalakbay, 
Kung Siya ang kaakbay.


Musika:  BDAckley


MAY DALA KA BANG GINTONG ARAL? (Serving Jesus)

 82


MAY DALA KA BANG GINTONG ARAL?
(Serving Jesus)

May dala ka bang gintong aral 
Sa lahat ng makasalanan?
Handa ba ang iyong buhay 
Na ihandog kay Cristo lamang?

Koro:
Kay Cristo maglingkod ng wagas,
Asahan mo ang Kanyang lingap,
Ang tulong N’ya sa’yo’y isasakbat
Kung ikaw’y ganap.
At S’ya’y h’wag mong hihiwalayan, 
Kahi’t anomang kasapitan;
Buong puso sa Guro’y ibigay 
Hanggang sa kawakasan

Buhay mo ba’y nagliliwanag 
Sa kalulu’wang mayroong ulap?
May tinig kabang tumatawag 
Sa lahat ng napapahamak?

Taglay mo ba sa iyong dibdib 
Ngalang Jesus na iniibig?
Kung laan kang magpakasakit, 
Ay may gantimpala sa langit.

Titik:  ObLGTrinidad
Musika:  HGSmyth


LATEST POST

AMA, AKO’Y DUMUDULOG (O Master, Let Me Walk with Thee)