Monday, April 19, 2021

SAMANTALAHIN MO (At Your Door)

  78


SAMANTALAHIN MO
(At Your Door)

Samantalahin mo ang buhay at lakas
Na pautang ng Dios sa lahat ng oras;
Maglingkod kang tapat,  ihanda ang bukas,
Ngayon ang panahon, tindig, magbalikwas.

Koro:
Sa puso mo ay pakiramdaman 
Ang tibuki ng buhay.
Doon ang Diyos ay nagsasaysay; 
Marami ka pang utang

Samantalahin mo ang araw at gabi, 
Ang bawa’t sandali ay maipagsilbi;
Pagtitipong banal, daluhang parati
Pagka’t diwa ng Dios, doon ay may kasi.

Samantalahin mo ang pagtawag ng Dios, 
H’wag mong patigasin ang pusong malambot;
Sikad sa matulis ay nakatatakot,
Gayon din ang laging sa Dios ay paglimot.


Titik:  CPamintuan  
Musika:  RHarkness


PALIWANAGING LAGI ANG ILAW (Brighten the Corner)

  77


PALIWANAGING LAGI ANG ILAW
(Brighten the Corner)

Paliwanaging lagi ang taglay mong ilaw,
Tanglawan nasa kadiliman,
Sa aral ni Cristo ay iyong pasilayan,
Puso at diwang nasinsay,

Koro:
Paliwanagin ang ilaw,
Paliwanagin sa buhay;
Upang karimlan ay lubos na maparam,
Paliwanagin ang ilaw.

Kung ang ilaw mo ay nais na mangulimlim,
Kay Jesus ikaw’y manalangin;
And malabong sinag ay paliliwanagin,
Kanyang gagawing magningning.

Hwag mong lilimutin na ikaw’y isang ilaw
Sa mundong nasa kasalanan;
Kilos at diwa ay laging pasubaybayan
Sa Dios na ating patnubay,

Ang munti mong dingas ay h’wag pababayaang 
Mainis ng hilig sa layaw;
Sa pamumuhay mo ay iyong pagsakitang
Paliwanagan ang ilaw.


Titik:  ObLGTrinidad 
Musika:  CHGabriel

MASAYA ANG ARAW NG PANGINOON (You May Have the Joybells)

  76


MASAYA ANG ARAW NG PANGINOON
(You May Have the Joybells)

Masaya ang araw ng Panginoon, 
Masaganang pagpapala’y mayroon,
Tanggapin natin ngayon, nang hindi maparool,
Sa landas na ating tinatalunton.

Koro:
Ang buhay ay may galak, Ang buhay ay may galak,
Puso nati’y ibukas, Sa ‘ting Tagapagligtas,
At ligaya’y atin hanggang sa wakas.

Sandaling itigil ang manga gawa,
Araw na ito ay tangi’t dakila,
Tayo’y magpakumbaba, aa harap ng Lumikha,
Tayo ay magpuri at mangagkat’wa.

Maligayang tunay, araw na ito,
Na ibinukod sa buong sanlinggo,
Maghandog na totoo, ng biyayang natamo,
Upang lumigaya dito sa mundo.

KAY JESUS MAGTAPAT (Doing His Will)

  73


KAY JESUS MAGTAPAT
(Doing His Will)

Kay Jesus magtapat, wika N’ya ay buhay 
Na ikaw ay Kanya kaylanman,
At sa Diwang Banal lagi kang paakbay,
At ikaw’y matatag saan man.

Koro:
Ang lahat ng iyong gagawin 
Kay Jesus ay marapat na dalhin,
Sumunod saan man suguin, 
Manatili sa’ting layunin.

Kahit na ang daan mo’y maging madilim
Ay alam N’ya ang dapat gawin,
Kay Jesus, ay iyong tunay na kakamtin, 
Pagpapalang walang kahambing.

Sa gayon, puso’y masisiyahang lubos 
Kung manatili ka kay Jesus,
Kahit ang nawaglit iyong masasambot
Dahil sa Kanyang pagkukupkop.

ANG MAGLINGKOD KAY CRISTO’Y KAALIWAN (It Pays to Serve Jesus)

 72


ANG MAGLINGKOD KAY CRISTO’Y 
KAALIWAN
(It Pays to Serve Jesus)

Ang maglingkod kay Cristo’y kaaliwan, 
May kagalakang lubhang dalisay;
Langit ang gampanan ang katungkulan,
May biyaya araw-araw.

Koro:
Pakinabang ang maglingkod kay Jesus,
Hakbang mo’y itataguyod;
Kung ang daang tungong langit ay malungkot,
May t’waan na idudulot.

May pakinabang ang laging maglingkod, 
Lalo’t tapat ka sa bawa’t kilos;
Yamang ang pananatili kay Jesus 
Ay pakinabang na lubos.

May araw man na ang daa’y mapanglaw,
Ang kalungkuta’y sumusubaybay; 
Si Cristo ay handa ang kaaliwan, 
Maglingkod ay pakinabang.



Titik:  VDDiolanda Musika:  FCHuston

WALANG KAILANGAN SA AKIN ANG LAHAT (Let the Sunshine In)

 62


WALANG KAILANGAN SA AKIN ANG LAHAT
(Let the Sunshine In)

Walang kailangan sa akin ang lahat, 
Maging kayamanan man o pananalat,
Kahit sumigabo ang matinding hirap,
Kung ang Dios ang kaakbay.


Koro:
Kung Dios ang kaakbay (Ang  ating kaakbay)
Kung ang Dios ang kaakbay (ang kaakbay)
Walang kailangan kahit kamatayan,
Kung ang Dios ang kaakbay

Walang kailangan saan man dumatal, 
Di mangingilabot, ako’y laging laan,
Kutya’t paguusig sa’ki’y sukal lamang, 
Kung ang Dios ang kaakbay 

Walang kailangan ang yaman at dangal 
Ligaya at galak na may katapusan,
Buhawi ma’t bagyo’y di makahahadlang,
Kung ang Dios ang kaakbay.

Walang kailangan kahit kamatayan, 
Sa pagganap ko ng aking katungkulan, 
Sa bawa’t sandali ako’y handang tunay,
Kung ang Dios ang kaakbay.


Titik:  Ob.LGTrinidad

MAHAL KITA, O PANGINOON (I Love You, Lord)

 66


MAHAL KITA, O PANGINOON
(I Love You, Lord)

Mahal kita at sinasamba 
May awit ang aking kalul’wa.
Dinggin O Dios at bigyang lugod 
Tanggaping lubos ang awit ng pag-irog


Titik:  AGCabildo 
Musika:  LKlein


TAYO’Y MAY BANDILANG IWAWAGAYWAY (The Banner of the Cross)

 61

TAYO’Y MAY BANDILANG IWAWAGAYWAY
(The Banner of the Cross)

Tayo’y may bandilang iwawagayway, 
Mga kawal na hirang;
Na saksing maningning ng kaligtasan, 
Tagumpay ay isigaw!

Koro:
Lumakad, (lakad) lumakad (lakad)
Balita’y ating ihayag
Tayo’y gumawang may galak
Sa krus nating sagisag!

Kahit tayo’y masukol ng kaaway, 
Bandila’y iwagayway;
Sa panig ng Dios, walang agam-agam,
Di dapat manglupaypay.

Saan mang dako tayo makarating, 
Ang balita’y saysayin;
Ilapit sa watawat na maningning
Ang bihag ng Dios natin.



Titik:  EPLazaro 
Musika:  JMcGrananhan

SA AKING KASAMAAN, NALAYO SA PAMPANG (Love Lifted Me)

 59

SA AKING KASAMAAN, NALAYO 
SA PAMPANG
(Love Lifted Me)

Sa aking kasamaan, nalayo sa pampang,
Halos di makalutang sa sala kong taglay
Ngunit ang Panginoon sa aking pagtaghoy,
S’yang sa aki’y nagahon at nagampon.

Koro:
Iniligtas ng pag-ibig, 
Nang walang sumagip,tinangkilik ; 
Iniligtas ng pag-ibig, 
Nang walang sumagip,tinangkilik ; 

Puso ko’y ihahandog, ako’y maglilingkod
Buhay, ipasasakop hanggang sa malagot,
Sa wagas N’yang pag-ibig, kulul’way aawit,
Sa Kanya ay kakapit hanggang langit.

Kalul’wang nanganganib, Kay Cristo’y sumandig,
Nang kayo ay masagip sa along mabangis;
S’ya’y handa sa pagtulong, S’ya ang Panginoon, 
Kaligtasan mo ngayon Kanyang layon.



Titik:  Federacion  
Musika:  HESmith

NASA NI JESUS SA AKIN (Jesus Wants Me for a Sunbeam)

 58


NASA NI JESUS SA AKIN
(Jesus Wants Me for a Sunbeam)

Nasa ni Jesus sa akin, 
Ako ay maglining;
Kahit anumang gawain, 
Siya’y l’walhatiin.

Koro:
Ako ay lalakad, 
Sa daang tungong liwanag,
At ipahahayag 
Ang Kanyang pagliligtas.

Sa Dios aking nanasain, 
Ng buong taimtim,
Ako’y Kanyang payapain, 
Mligtas sa lagim.

Kung si Jesus ang kasama 
Saan man humangga,
Dusa’y magiging ligaya, 
Ang hirap, ginhawa.


Musika:  EOExcell


NAIS MO BANG MAIBSAN NG PASAN? (There’s Power in the Blood)

 57


NAIS MO BANG MAIBSAN NG PASAN?
(There’s Power in the Blood)

Nais mo bang maibsan ng pasan?
Makapangyarihan ang dugo.
Nais mong sa sala’y magtagumpay?
Dugo’y may kapangyarihan.

Koro:
Ang dugo’y may kapangyarihan
Ang dugo N’yang mahal
Ang dugo’y may kapangyarihan
Ang dugo ni Cristong banal.

Nais mo bang puso’y dumalisay?
Makapangyarihan ang dugo.
Ang batik ng sala’y mahugasan?
Dugo’y may kapangyarihan.

Nais mo bang maglingkod sa Hari?
Makapangyarihan ang dugo
Mabuhay kang nagpupuring lagi,
Dugo’y may lakas na tangi.



Titik:  VDDiolanda  
Musika:  LEJones


MAL’WALHATING PAKIKIPAGNIIG (When I’m With Him)

 56


MAL’WALHATING PAKIKIPAGNIIG
(When I’m With Him)

Mal’walhating pakikipagniig, 
Kay Kristo na umiibig;
Saganang biyaya ay makakamit,
Tuwa’y walang kahulilip

Koro:
Kung si Hesus ay kapiling,
Lugod na pangmundo’y nagsisilim,
Sa puso ko’y ligayang walang maliw,
Kung si Hesus ay kapiling.

Tayo’y di maaaring mabuhay,
Na kay Hesus ay hiwalay;
Hinahanap ang pusong may lumbay,
Gaya ng nagdaang araw.

Ang nasa ko ay maranasan mo,
Ang buhay na nalasap ko, 
Ngayo’y hinihintay ka ni Cristo,
Upang biyaya’y matamo.



Titik:  VDDiolanda  
Musika:  AHackley


KAY LAKING NABAGO SA AKING BUHAY (What a Wondeful Change)

 55


KAY LAKING NABAGO SA AKING BUHAY
(What a Wondeful Change)

Kay laking nabago sa aking buhay
Nang Cristo’y nasok sa puso;
Dibdib kong may hapis, liagaya’y nakamtan,
Nang Cristo’y nasok sa puso.

Koro:
Nang Cristo’y nasok sa puso, 
Nang Cristo’y nasok sa puso. 
Ang sala’y naaalis, 
Ang diwa’y luminis,
Nang Cristo’y nasok sa puso.


Isip ko’y lumaya sa lambong ng dilim,
Nang Cristo’y nasok sa puso;
Nagtamong liwanag ang aking paningin,
Nang Cristo’y nasok sa puso.

Pag-asa’y natanggap ng aking kaluluwa,
Nang Cristo’y nasok sa puso;
Naparam nang lahat ang aking pangamba,
Nang Cristo’y nasok sa puso.

Tiwala’y matibay sa langit hahangga, 
Nang Cristo’y nasok sa puso;
Ngayon ay tiwasay Dios ay makikita,
Nang Cristo’y nasok sa puso.


Titik:  ObLGTrinidad
Musika:  CHGabriel


HABANG LUMALAWIG, LALONG MATIMYAS (The Longer I Serve Him)

 54


HABANG LUMALAWIG, LALONG 
MATIMYAS
(The Longer I Serve Him)

Nang aking ipagkaloob ang puso kay Jesus
Buhay ko’y Kanyang hinubog, 
Sadyang pinagyaman sa paglilingkod.

Koro:
Habang lumalawig, lalong matimyas 
Ang pamamahal N’ya’y walang katumbas.  
Ang paglilingkod sa Kanya ay tapat 
Habang lumalawig, lalong matimyas

Ang lahat ng kailangan ay ibinibigay
Ang daa’y naliwanagan, 
At pinagpapala sa bawa’t araw


Titik:  AGCabildo
Musika:  WJGaither


HABANG NASA BULAKLAK PA (In the Garden)

 53


HABANG NASA BULAKLAK PA
(In the Garden)

Habang nasa bulaklak pa
Ang mga hamog sa umaga,
Tinutungo ko, harding mag-isa, 
Nang kay Jesus masama.

Koro:
Si Jesus, kausap ko’t kaakbay 
At ako’y inangking tunay,
Ang galak namin sa halamanan, 
Ay walang nakaalam.

Tinig N’ya’y aking narinig,
Na puspos ng diwang panlangit,
Idinudulot sa aking dibdib, 
Ligayang di malirip.

Lalagi sa halamanan 
Kung kapiling si Cristo lamang, 
At ako’y Kanyang bibigyang buhay 
Sa langit na tahanan.


Titik:  ObMBValdez
Musika:  CAMiles

MAPAYAPANG KALULUWA (It Is Well)

 43


MAPAYAPANG KALULUWA
(It Is Well)

Mapayapa ang aking paglalakbay 
Batbat man ng kalungkutan,
Kahit na anong sapitin ng buhay 
Sa puso may kapayapaan.

Koro:
Payapang kalul’wa 
Payapa ang aking Kalul’wa.
(Payapang Kalul’wa.)

Kahit mabigat ang mga pagsubok  
Tapat ang pangako ng Dios;
Batid ang buhay kong kalunos-lunos,
S’ya na sa akin ay tumubos.

Kasalanan ko, kung aking isipin, 
Lahat ay Kanyang inangkin;
Napako sa krus, inalis sa akin;
Purihin, ang Dios ay purihin.

Madaliin Mo po O Dios ang araw, 
Araw ng muling pagdatal.
Sa pagtawag Mo, lahat ng kinapal,
Tatayo sa iyong harapan.


Titik:  AGCabildo
Musika:  PPBliss

KAY JESUS AY INIAALAY (I Surrender All)

 40

KAY JESUS AY INIAALAY
(I Surrender All)

Kay Jesus ay iniaalay 
Ang lahat ko sa buhay;
Iibigin at tapat 
Na susundin araw-araw,

Koro:
Iniaalay ko (Iniaalay ko)
Iniaalay ko (Iniaalay ko)
Sa‘yo ang lahat, 
O Cristo, Iniaalay ko.

O Jesus, isinusuko 
Ang sarili sa Iyo;
Ang mundong layaw, iniwan, 
Tanggapin ang buhay ko.

O Jesus, ang alab ng Diwa’y 
Lubos kong nadama;
O, salamat sa kaligtasan; 
Purihin ang Ama!


Titik:  VGCabildo
Musika:  WSWeeden


Sunday, April 18, 2021

KALOOBAN MO ANG S’YANG SUNDIN (Have Thine Own Way)

 38


KALOOBAN MO ANG S’YANG SUNDIN
(Have Thine Own Way)

Kalooban Mo ang s’yang sundin, 
Putik Ako na huhugisin,
Ayon sa ibig Mo ay gawin, 
Handa Ako na ‘yong baguhin

Kalooban Mo nawa’y gawin, 
Ako ngayon ay ‘yong subukin,
Puso’y hugasa’t paputiin, 
kalooban Mo’y tatanggapin.

Kalooban Mo S’ya Mong sundin, 
Ako’y tulungan ang dalangin,
Kapangyariha’y iyong gawin, 
Hipuin mo at pagalingin.

Sundin Mo ang ‘yong kalooban, 
Ako’y linisin ng lubusan,
Hanggang si Cristo’y maranasang, 
Tanging sa Aki’y tumatahan.


Musika:  GCStebbins

JESUS, AKO’Y NANGAKO (O Jesus, I Have Promised)

 37


JESUS, AKO’Y NANGAKO
(O Jesus, I Have Promised)

Jesus, ako’y nangako, laging maglilingkod, 
Sa t’wina’y itaguyod, aking Mananakop;
Ako’y di matatakot  sa pakikihamok,
Walang sindak ang loob ikaw ang patnugot.

Nais kong kapiling Ka sa tuwi-tuwina, 
Tukso’y nanghahalina, nNaririnig ko pa;
Kaaway ko’y lagi na akong binabaka,
Jesus lumapit san, agawin sa sala.

Pangakong binitiwan, Ikaw, kung susundan,
Sa langit Mong tahanan, ako’y ipipisan;
Panata kong dalisay Ikaw’y paglingkuran 
Hanggang wakas ng buhay, Dios ko’t kaibigan.


Titik:  VDDiolanda
Musika:  AHMann


MAGSILAPIT ANG LAHAT (When the Roll Is Called Up Yonder)

 34


MAGSILAPIT ANG LAHAT
(When the Roll Is Called Up Yonder)

Magsilapit ang lahat at nang inyong mapakinggan
Mabuting balita ng kaligtasan, 
Kaya’t magsilapit na at h’wag na kayong magpaliban, 
Hanggang puso ay may pintig ng buhay. 

Koro:
Si Jesus ang ating buhay 
Si Jesus ang ating buhay
Si Jesus ang ating buhay 
Lapit na at ang puso ay ibigay.

Magsilapit ang lahat sa piling ng Panginoon,
At magsimula nang maglingkod ngayon, 
Nang upang sa kat’wiran lahat tayo’y magsihantong
Na siyang ating gintong nilalayon.

Magsilapit ang lahat at kay Jesus ay dumulog,
Buhay, diwa at lakas ay ihandog, 
Ang lahat ng naligaw sa Kanya’y magbalik loob,
At ang kakamti’y l’walhati at lugod.


Musika:  JMBlack

TANGING ISANG PUSONG BAGO (Saved By Grace)

 33


TANGING ISANG PUSONG BAGO
(Saved By Grace)

Tanging isang  pusong bago, 
Sa aking Dios ang hiling ko,
Upang itong pagkatao’y 
Malapit lamang kay Cristo.

Koro:
Pusong bago sa paggawa, 
Pusong bago sa kalinga;
Pusong bagong nakahanda, 
Sa gawain Mong dakila.

Pusong bago kung matanggap, 
Kalul’wa ko ay lalasap 
Ng saganang awa’t habag 
Ng Dios na batis ng lingap.

Kung puso ko’y panahanan 
NI Cristo na lubhang banal,
Ang buhay ko ay matibay  
Sa suligi ng kaaway.


Titik:  MBanting
Musika: GCStebbins

DI KA DAPAT MAGPABAYA (Why Not Tonight?)

 32


DI KA DAPAT MAGPABAYA
(Why Not Tonight?)

Di ka dapat magpabaya, 
Araw na upang gumawa,
O makasalanang aba, 
Lapit na ngayon.

Koro:
Bakit di ngayon? (Bakit di ngayon?)
Bakit di ngayon? (Bakit di ngayon?)
Lapit ngayon (Lapit ngayon)
Nang maligtas ka.(Nang maligtas ka.)

Si Cristo ay naghihintay 
Sa tunay na pagmamahal,
Ang puso mo ay ibigay,
Lapit na ngayon.

Walang taong itatakwil,
Kahit na sino mang linsil;
Umasa at Siya’y sundin,
Lapit na ngayon.


Titik:  ObAHReyes
Musika:  JCBushey

LAPIT NA AT TUMATAWAG SIYA (Come to the Saviour)

31

LAPIT NA AT TUMATAWAG SIYA
(Come to the Saviour)

Lapit na at tumatawag S’ya, 
Ang Dios na balong ng pagsinta,
Ang tinig N’ya ay nagbabadya, 
Ng pag-aanyaya.

Koro:
Tunay na saganang kakamtan
Ligaya’t walang hanggang buhay.
Lapit na sa Kanyang paanan
At may kaligtasan.

H’wag kang matakot at lapit na,
Ang hirap ay dalhin sa Kanya,
Luha mo ay papahirin N’ya,
Tanggap ang anyaya.

Bakit ikaw ay nagluluwat 
Sa sala mong nagpapabigat?
Naghihintay na may pagliyag
Ang tagapagligtas.


Musika:  GRoot

LATEST POST

AMA, AKO’Y DUMUDULOG (O Master, Let Me Walk with Thee)