Monday, February 8, 2021

ANG ANYAYA NG DIOS AY DINGGIN (Jesus Will Save You Now)

30

ANG ANYAYA NG DIOS AY DINGGIN
(Jesus Will Save You Now)

Ang anyaya ng Dios ay dingign , 
Lapit na at sundin,
Ang l’wlhating di nagmamaliw, 
Ay iyong kakamtin.

Koro:
Dumulog na at tanggapin mo 
Ang pangakong ito,
Sa pamamagitan ni Cristo, 
Patawad ay iyo.

Katulad mo’y tupang nawaglit 
Sa habag ng langit,
Sa paanan Niya’y ilapit 
Ang lahat mong sakit.

Masdan mo ang hirap ni Jesus, 
Nang Siya’y nasa krus,
Ang buhay N’ya ay inihandog 
Dahil sa pag-irog.

Sunday, February 7, 2021

ARAW AY NAGLILIWAYWAY (When the Mists Have Rolled Away)

29

ARAW AY NAGLILIWAYWAY
(When the Mists Have Rolled Away)

Araw ay nagliliwayway sa gawing silanganan, 
Ang kapal ng kadiliman ay dagliang naparam, 
Ang tanda ng bagong araw sa puso’y natatanaw;
Tanggapin mo, kaibigan, dulot na kaligtasan.

Koro:
Kung iyong tatanggapin, Ligayang sapin-sapin,
(Kung iyong tatanggapin, ligayang sapin-sapin,)
Sa wakas ang sasapitin buhay na walang lagim,
Sa piling noong sa ati’y umiibig na tambing.

Ang tala ay kumikislap, si Jesus, nang ianak, 
Ang dilim ng mga ulap ay nahawi nang lahat;
Mga anghel ang nagkalat ng balitang may galak,
Ang puso mong nakalalpat kay Jesus ay ibukas,

Ang daa’t katotohanan at gayon din ang buhay 
Kay Jesus ay napipisan, o balitang kay inam.  
Tanggapin mo, kaibigan, dulot nakaligtasan,
Upang makamtan mong tunay buhay na walang hanggan.


Musika:  IDSankey

Saturday, February 6, 2021

ANG L’WALHATI KO AY GANAP (Because He Loved Me So)

28

ANG L’WALHATI KO AY GANAP
(Because He Loved Me So)

Ang luwalhati ko ay ganap 
Sa biyaya Mong pagliyag
Ang buhay ko’y iniligtas 
Ng malaking awa’t habag.

Koro:
Ang buhay ko’y Iyo, 
Ang buhay ko’y Iyo, 
Jesus, ang pagmamahal Mo 
Ang tanging buhay ko.

Ako’y handang maglilingkod 
Maging buhay ma’y malagot,
At sa aral Mo’y susunod 
Tanda ng aking pag-irog.

Ang ligaya’t sampung layaw 
Ay lilisanin kong tunay,
Sa hirap ma’t kalungkutan 
Patnugot ko’y Ikaw lamang.


Titik:  CTangaro

Friday, February 5, 2021

HALINA AT LUMAPIT (His Eye Is On the Sparrow)

27

HALINA AT LUMAPIT
(His Eye Is On the Sparrow)

Halina at lumapit sa Dios ng pag-ibig, 
At sa Kanya’y isulit ang lahat ng hapis,
Mapapawi ang dusa, dagling giginhawa;
Kung kalinga N’ya ang maya, tayo ma’y kalinga N’ya;
Kung kalinga N’ya ang maya, tayo may kalinga N’ya.

Koro:
Sa puso’y may ligaya, tayo’y malaya na.  
Kung kalinga N’ya ang maya, tayo ma’y kalinga N’ya.

Kung kalul’way may sala, laging nababakla, 
Waring walang pag-asa, lumapit sa Kanya, 
May pagpapala t’wina dahil sa pagsinta; 
Kung kalinga N’ya ang maya, tayo ma’y kalinga N’ya;
Kung kalinga N’ya ang maya, tayo ma’y kalinga N’ya;

Puso ay bibihisan ng t’wa’t kagalakan, 
At kakamtin ang buhay na sa ati’y laan, 
Siya’y ating kasama saan man humangga.
Kung kalinga N’ya ang maya, tayo ma’y kalinga N’ya;
Kung kalinga N’ya ang maya, tayo ma’y kalinga N’ya;


Musika:  CHGabriel

Thursday, February 4, 2021

LUMAPIT ANG MAY SALA (Come Unto Me, Ye Weary)

26

LUMAPIT ANG MAY SALA
(Come Unto Me, Ye Weary)

Lumapit ang maysala,  pusong may balisa.
Magtatamong ginhawa sa aking pagsinta.

Koro:
Lapit na ngayon din, sa aking paggiliw, 
Lapit na ngayon din, patawad tanggapin.

Ang may lungkot at hapis, sa aki’y lumapit, 
Ligaya’y ibinibihis, sa may dusang dibdib.

Lumapit ang may hirap, pusong may bagabag,
Sa Akin ay tumawag, kakamtan mo’y habag.


Musika:  GCStebbins

Wednesday, February 3, 2021

O KAGILAGILALAS NA ARAW (Heaven Came Down)

25

O KAGILAGILALAS NA ARAW
(Heaven Came Down)

O kagilagilalas na araw 
Di ko malilimutan
Sa kadiliman ng paglalakbay 
Si Jesus natagpuan.
Tinagpo ang pangangailangan 
Ng pusong nagdaramdam
Ang karimlan ay dagliang naparam 
Ang napalit kagalakan.

Koro:
Ang l’walhati sa langit nagmula
Sa kalbaryo duon nagdalita
Nilinis ang sala, ang gabi’y nag-umaga
At pinuspos ang aking kalul’wa.

Nang ianak sa pamilya ng Dios  
Diwang Banal, pinuspos 
Pinaging dapat sa bisa ng krus 
Sa pag-ibig ni Jesus.
Ang alak na biyayang pagsakop  
Ay tinanggap kong lubos
Pagliligtas ay ipinagkaloob 
Purihin S’yang buong lugod

May pag-asa na di nasisinsay 
Sa paglipas ng araw
Sa paraiso nating tahanan 
Duon maninirahan.
Nang si Cristo’y sampalatayanan 
Manunubos kong tunay.
Pagpapala at panglangit na yaman 
Dumaloy sa aking buhay.


Titik:  AGCabildo
Musika:  JWPeterson

Tuesday, February 2, 2021

TAYO’Y MAGSILAPIT (Bringing In the Sheaves)

24

TAYO’Y MAGSILAPIT
(Bringing In the Sheaves)

Tayo’y magsilapit, tayo’y magsilapit, 
Sa paanan ni Cristong umiibig;
Tayo’y magsilapit, sala ay itangis,
At ligaya ang ating makakamit.

Koro:
Lapit na ngayon, lapit na ngayon,
H’wag nang magpaliban nang di magahol,
Lapit na ngayon, Lapit na ngayon,
Tanggap ang anyaya ng Panginoon.

H’wag makasagabal ang maling pagasa
Na si Cristo ay ayaw sa may sala,
Tayo nga ang dahil at Siya’y nagdusa,
Iwaksi ang takot, at lumapit na.

Idulog ang sala kay Jesus na giliw, 
Nagsisising puso ay tatanggapin,
H’wag nang magpaliban tayo’y aakayin,
Kay Jesus lumapit nang di gahulin.


Musika:  GAMiner

Monday, February 1, 2021

TAYO NA AT ATIN NA NGAYONG TUPDIN (Walking in the Blessed Light)

23

TAYO NA AT ATIN NA NGAYONG TUPDIN
(Walking in the Blessed Light)

Tayo na at atin na ngayong tupdin, 
Aral na ginto, dapat na sundin, 
Si Jesus sa atin ang may habilin
Na mag-ibigang tambing

Koro:
Ating hanapin  (Ating paghanapin, ating paghanapin)
Ang mga dukhang lagi sa lagim,
Ang Dios sa atin,  (Ang Dios ang sa atin, and Dios ang sa atin)
Ang tatanglaw sa dilim.

Kung sakali mang tukso ang hahadlang 
Sa mga gawa ng pagmamahal,
Si Jesus ang t’wina’y ating kaakbay,
Laging magsasanggalang.

Pagtulungan nating maibalita, 
Pagsintang wagas ng Manglilikha, 
Ang bigat ng krus ay pinasang kusa,
Nang maligtas ang madla.

LATEST POST

AMA, AKO’Y DUMUDULOG (O Master, Let Me Walk with Thee)