Sunday, January 31, 2021

SINO MANG MAY IBIG NA MAGKAMIT (Whosover Heareth)

22

SINO MANG MAY IBIG NA MAGKAMIT
(Whosover Heareth)

Sino mang may ibig na magkamit 
Ng habag ng Dios na galing sa langit, 
Tanggapin ngayon ang pagsintang tigib,
Kaligtasan ang bihis.

Koro:
Sino mang ibig na s’ya’y magkamit, 
Tanggap ang pasabing galing sa langit,
H’wag mong tanggihan ang manang pahatid, 
Kaligtasan ang bihis

Sino mang may ibig, h’wag magluwat,
Samantalang araw ay sumisikat.
Paglubog ng araw, nakasisindak,
H’wag nang ipagpabukas.

Sino mang may ibig, lapit ngayon,
Sa iyo’y ito ang takdang panahon, 
Tanggapin mo na nang di ka magahol
Iwaksi ang kahapon


Musika:  PPBliss

Saturday, January 30, 2021

SI JESUS SA IYO’Y TUMATAWAG (Jesus Is Calling)

21

SI JESUS SA IYO’Y TUMATAWAG
(Jesus Is Calling)

Si Jesus sa iyo’y tumatawag, 
Lumapit ang may pasang mabigat,
Iibsan ang kalul’wang may hirap,
Sa ’yo ay tumatawag.

Koro:
Siya’y banayad na tumatawag  (Banayad na tumatawag)
Samantalang h’wag magluwat;
Siya’y banayad na tumatawag, (banayad na tumatawag)
Ngayo’y lumapit nang maligtas.

Ikaw na malaong napaligaw
Anyaya’y dinggin, h’wag magdahilan;
H’wag tikising si Cristo’y maghintay,
Ikaw’y tinatawagan.

Hinahanap kang buong pagliyag, 
Sa kabunduka’t dilim ng gubat, 
Magbalik ka’t may laang paglingap,
Si Cristo’y tumatawag.


Titik:  BBRada
Musika:  FSShepard

Tuesday, January 19, 2021

SI JESUS AY MARAHANG TUMATAWAG (Softly and Tenderly)

20

SI JESUS AY MARAHANG TUMATAWAG

(Softly and Tenderly)

1. Si Jesus ay marahang tumatawag
Sa iyo at sa akin;
Sa pinto ng puso mo’y nagmamatyag,
S’ya ay buksang magiliw.

Koro:
Lapit, lapit
O taong napapagal;
Ang magiliw na anyaya’y pakinggan,
Siya’y ating lapitan

Bakit paghihintayin na may liwag
Si Jesus sa pagtawag;
Bakit alinlangan ka sa paglingap,
Sa anyayang pagtanggap.

Pagsintang pangako’y alalalahanin,
Sa iyo at sa akin;
Ang kasalanan ay patatawarin
Tanggapin mo ngayon din.


Titik: VDDiolanda
Musika: WLThompson

SI JESUS AY NAG-AANYAYA (Shall You? Shall I?)

19

SI JESUS AY NAG-AANYAYA

(Shall You? Shall I?)

Si Jesus ay nag-aanyaya
Sa mga taong may sala,
Bakit natitigilan ka pa?
Lumapit ka, lumapit ka.
H’wag bayaang palipasin pa
Ang araw ng pagliligtas Nya,
Bakit nag-aalinlangan ka?
Lumapit ka, lumapit ka.

Araw ng bukas ay di iyo,
Di mo alam ang buhay mo,
Kung biglang papanaw sa mundo;
Lumapit ka, lumapit ka.
H’wag bayaang paraanin mo
Ang araw na biyaya sa’yo
Lapit ngayon kay Jesu-Cristo,
Lumapit ka, lumapit ka.

Agapan mong tanggapin agad
Ang anyaya N’yang paliyag,
Buksan ang pusong nakalapat,
Lumapit ka, lumapit ka.
Magtindig ngayon at lumakad,
H’wag mong palipasin ang oras,
Araw ngayon ng pagliligtas,
Lumapit ka, lumapit ka.


Musika: JMcGranahan

SI CRISTO’Y MARAHANG TUMATAWAG (Jesus Is Tenderly Calling)

18

SI CRISTO’Y MARAHANG TUMATAWAG

(Jesus Is Tenderly Calling)

Si Cristo ay marahang tumatawag,
Tumatawag, tumatawag
Huwag layuan ang Kanyang pagliyag,
Kung nais mong maligtas.

Koro:
Tumatawag, tumatawag, (tumatawag, tumatawag)
Tumatawag, tumatawag, (Ang Kan’yang atas)
Ang Kanyang atas, Ang Kanyang atas.
(Dinggin mo upang maligtas)

Si Cristo sa ati’y naghihintay,
Naghihintay, naghihintay,
Kasalanan nati’y pagsisihan,
Huwag tayong magpaliban

Masayang tumatawag sa atin,
Ngayo’y dinggin, ngayo’y dinggin
Ang maniwala’y pagpapalain,
Atin Siyang tanggapin.


Musika: GCStebbins

BATINGAW NG LANGIT (Ring the Bells of Heaven)

17

BATINGAW NG LANGIT

(Ring the Bells of Heaven)

Batingaw ng langit, ating tugtugin,
Sa nagbabalik na salarin;
Ang Ama sa daa’y buong paggiliw,
Na sumasalubong na tambing

Koro:
L’walhati ang awit ng anghel,
L’walhati’t galak ang taginting;
Hukbong tinubos ay puspos ng aliw,
Umaawit ng walang maliw.

Batingaw ng langit ay naghahayag,
Nagbalik ang bunsong lagalag;
Kalu’lwang may sala na iniligtas
Ay muli nang ipinanganak.

Batingaw ng langit ay nagsasaysay,
Ang piging ay handa nang tunay;
Magandang balita’y ipailanlang,
Nagbalik ang bunsong naligaw.


Titik: LSSarmiento
Musika: GFRoot

ANG KARIMLAN NG GABI’Y LUMIPAS NA (It Is Morning In My Heart)

16

ANG KARIMLAN NG GABI’Y LUMIPAS NA

(It Is Morning In My Heart)


Ang karimlan ng gabi’y lumipas na,
Sa puso ko’y umaga;
At ako’ y nabubuhay na masaya,
Sa puso ko’y umaga.

Koro:
Umagang-umaga na sa puso ko,
Hinawing lahat ang luksang anino;
May galak ang awit ko,
Pagka’t hari’y si Kristo,
Umagang-umaga na sa puso ko

Awit ng ibo’y aking naririnig,
Sa puso ko’y umaga,
Buhay ko ay bago nang aking batid,
Sa puso ko’y umaga.

Sa puso’y lalagi ang kagalakan,
Sa puso ko’y umaga,
Awit ko’y tuwa sa kabilang pampang,
Sa puso ko’y umaga.


Titik: VDDiolanda
Musika: AHAckely

O BAYAN KONG MINAMAHAL (I Love My Own, My native Land)

15

O BAYAN KONG MINAMAHAL
(I Love My Own, My native Land)

O bayan kong minamahal, Perlas ng silanganan,
Sa’yo handog puso’t buhay, Pilipinas kong bayan.
Ang bundok mo’t kakahuyan, dagat, ilog at batisan,
Handa akong pag utusan, Pilipinas kong bayan.

Mga pulo sa silangan, tunay kong minamahal,
Iyo kami kailanman, hanggang may angking buhay;
Dahil sa’yo ay nabuwal ang bayani sa karimlan
Upang lumaya kang tunay, Pilipinas kong mahal.

Kahapon mo’y maligalig, Pilipinas kong ibig,
Nakidigma ka’t nagtiis, sa kalabang malupit;
Ang hirap mo ay naalis, kalayaan mo’y nakamit,
Purihin ng walang patid, Dios Ama ng pag-ibig.

BUONG SIGLANG MAG-AWITAN (Caroling On)

14

BUONG SIGLANG MAG-AWITAN

(Caroling On)

Buong siglang mag-awitan,
Tayong mga kabataan
At ibunyi si Gat Rizal,
Bayani ng lupang tinubuaan;
Naipunlang kagitingan,
Payabungin nating tunay,
Sa timyas ng awit ay ating isigaw,
Bayaning Jose Rizal

Koro:
Dakilain mabunying bayani natin
Kanyang simulain ay matamang sundin;
Dakilain na walang pagmamaliw.
Awit at taginting ay ating isaliw,
Sa pagdiriwang natin.

Ang moog ng magdaraya
Winasak ng kanyang diwa,
Ang mithiing dakila’y
Maitanyag ang sariling lupa;
Payabungin sa paggawa,
Mga binhing ipinunla,
May bungang sagana,
Bawat gintong nasa,
Ang bayan ay malaya.


Titik: VDDiolanda
Musika: JLHall

LUPANG HINIRANG (Philippine National Anthem)

LUPANG HINIRANG
(Philippine National Anthem)

Bayang magiliw, perlas ng silanganan,
Alab ng puso sa dibdib mo’y buhay;
Lupang hinirang duyan ka ng magiting,
Sa manlulupig di ka pasisiil.

Sa dagat at bundok ,
Sa simoy at sa langit mong bughaw,
May dilag ang tula
At awit sa paglayang minamahal;
Ang kislap ng watawat mo’y tagumpay
Na nagniningning,
Ang bituin at araw n’ya kailan pa ma’y
di magdidilim.

Lupa ng araw ng l’walhati’t pagsinta,
Buhay ay langit sa piling mo;
Aming ligaya na pag may mang-aapi
Ang mamatay ng dahil sa’yo.



Titik at Musika: JFelipe

SA KANYANG PANGAKO’Y NANININDIGAN (Standing On the Promises of God)

12

SA KANYANG PANGAKO’Y NANININDIGAN

(Standing On the Promises of God)

Sa Kanyang pangako’y naninindigan,
Pupurihin ko Siyang buong buhay;
Ang Kanyang l’walhati ang isasaysay,
Sa tipan ng Dios ay tiwasay

Koro:
O panatag, matatag ako sa aking Mangliligtas;
O panatag, sa Dios ang buhay ko ay matatag

Pinaninindigan kong ito’y tunay;
Pinatawad ang aking kasalanan,
Kay Jesus ako ay may kalayaan,
Sa tipan ng Dios ay tiwasay

Aking pinaninindigang matibay;
Tawag ng Banal na Diwang patnubay,
Si Jesus ay aking tanging kanlungan;
Sa tipan ng Dios mananangan.

Monday, January 18, 2021

TINDIG BANSANG PILI NG DIOS (Bonifacio)

10

TINDIG BANSANG PILI NG DIOS

(Bonifacio)

Tindig, bansang pili ng Dios, tanging bayang ibinukod,
Sigaw ng pakikihamok, dinggin ninyong walang takot

Koro:
Ebanghelio ang watawat, Ebanghelio ang sagisag,
Ipangaral at ihayag sa mga dukhang nabihag.

Kalaba’y inyong lusubin, ibandila ang layunin,
Hirap, h’wag alintanahin dahil sa mga salarin.

Sundan banal Niyang buhay, bakas Niya ay lakaran,
Laan ang putong ng buhay, mula sa Dios ay kakamtan.

Tindig bansang pili ng Dios, sugong dapat na maglingkod,
Awit ng puri’y ibuhos nang mal’walhati si Jesus.

O KASULATANG BANAL (Holy Bible, Book Divine)

9

O KASULATANG BANAL

(Holy Bible, Book Divine)

O Kasulatang Banal, galing sa kalangitan,
Sa iyo’y nalululan, katotohanang tunay.

Aral mo’y kaligtasan naming makasalanan.
Ang banal Mong aralin ay patnubay sa amin.

Ilaw kang maluningning sa landas na madilim;
Sa lahat ng lakbayin, tanglaw kang walang maliw.

Panlinis kang mabisa sa marungis na diwa,
At Ikaw’y kagamutan ng madlang karamdaman.

Sa panlangit na buhay ay ikaw ang tinapay,
Tangi kang kalusugan naming makasalanan.

Batis kang mahiwaga, tubig mo’y mapagpala
Agos mo ay biyaya sa kaluluwang dukha.


Musika: WBBradbury

O KASULATANG BANAL (Holy Bible, Book Divine)

8

O KASULATANG BANAL

(Holy Bible, Book Divine)

O Kasulatang Banal, galing sa kalangitan,
Sa iyo’y nalululan, katotohanang tunay,
Aral mo’y kaligtasan naming makasalanan.

Ilaw kang maluningning sa landas na madilim;
Ang banal mong aralin ay patnubay sa amin;
Sa lahat ng lakbayin, tanglaw kang walang maliw.

Sa panlangit na buhay ay ikaw ang tinapay,
Tangi kang kalusugan naming makasalanan,
At Ikaw’y kagamutan ng madlang karamdaman.

Batis kang mahiwaga, tubig mo’y mapagpala,
Panlinis kang mabisa sa marungis na diwa,
Agos mo ay biyaya sa kaluluwang dukha.


Musika: Spanish Hymn

NGAYO’Y SALIKSIKIN NATIN (Jesus Wants Me for a Sunbeam)

7

NGAYO’Y SALIKSIKIN NATIN

(Jesus Wants Me for a Sunbeam)

Ngayo’y saliksikin natin, kaibigang giliw,
Ang Kasulatang habilin ni Cristo sa atin.

Koro:
Dapat na malaman, Si Cristo ang kaligtasan;
Siya ang asahan habang tayo’y may buhay.

Sikapin mo, kaibigan, h’wag kang magpaliban,
Basahin mo araw-araw, banal Niyang aral.

Kay Cristo ay lumapit na, ikaw na may sala,
May kaloob S’yang ginhawa; ianggap ang anyaya.


Titik: PVAbesamis 
Musika: EOExcell

WALA AKONG KARAPATAN (Just As I am)

6

WALA AKONG KARAPATAN

(Just As I am)

Wala akong karapatan, lumapit sa ‘Yong paanan,
Makibahagi sa dulang dahil sa’king kasalanan.

Gayon ma’y naglakas loob, sa harapan Mo’y dumulog,
Alang-alang sa pagsakop ni Kristo na Manunubos.

Nagsisisi akong tunay sa lahat kong kasalanan,
Ang patawad Mo’y pakamtan sa imbi kong kalagayan.

Patawarin ako, Ama, sa lahat kong naging sala
Linisin ng dugo Niya na tinigis sa pagsinta.

Kalikasan ko’y baguhin, Dios na lubhang magiliwin;
Diwang Banal ay suguin sa puso ko’y paghariin.


Musika: WBBradbury

SA AKI’Y HATIIN ANG TINAPAY (Break Thou the Bread of Life)

5

SA AKI’Y HATIIN ANG TINAPAY

(Break Thou the Bread of Life)

Sa aki’y hatiin ang tinapay,
Gaya ng hatiin sa pasigan,
Sa wika Mo’y aking natagpuan
Ang lunas sa madlang kailangan.

Ang katotohanan, basbasan Mo,
Tulad sa tinapay nang matamo,
Nasang kalayaang buhat sa’yo,
Ang kapayapaa’y kakamtin ko.

Tinapay ng buhay na bumaba
Buhat kalangitan ay biyaya;
Sa hirap na taglay ay mabisa,
Nagbibigay lakas sa mahina.

S’ya dahil sa aki’y nasugatan,
Buhay ko’y nagtamong kagalingan,
Dios marapatin Mo na makamtan,
Sa aki’y hatiin ang tinapay.


Titik: VDDiolanda

PANGINOON, SAMAHAN MO AKO (Confidence)

4

PANGINOON, SAMAHAN MO AKO

(Confidence)

Panginoon, samahan Mo ako,
Bawa’t hakbang ay patnubayan Mo,
Nang malayo sa hibo ng mundo
At tanglawan t’wina ang buhay ko.

Koro:
Mga kamay ko’y Iyong hawakan,
At sa landas ako ay samahan,
Itulot Mong ang lagi kong kamtan,
Ang tulong Mong makapangyarihan.

Ang maruming buhay kong nagdaan,
Linisin ng Iyong dugong banal,
Samahan Mo upang di masinsay,
At nang kamtin ang pagtatagumpay.

Kalul’wa ko ay di masisindak,
Sa piling Mo ay laging matatag,
Ang bitag ng diablo’y mawawasak,
Pagka’t ang pag-iingat Mo’y ganap.


Titk: ACYlagan
Musika: HARodeheaver

LINISIN MO (Cleanse Me)

3

LINISIN MO

(Cleanse Me)

Linisin Mo, O Dios ang puso ko,
Sampu ng isip ay subukin Mo.
Kasalanang hibo nitong mundo,
Hugasan at ako’y gawing bago.

Pinupuri Kita, Panginoon,
Iniligtas sa sala’t linggatong.
Pag-alabin marubrob kong layon
Purihin ka sa habang panahon.

Ang buhay ko, gawin Mo nang Iyo,
Sidlan ang puso ng pag-ibig Mo.
Isinuko, buong pagkatao
Upang manahan Ka sa buhay ko.

Diwang Banal, na balong ng buhay,
Ang pagbabago sa’kin simulan.
Ang Salita Mo ang nagsasaysay
Ang pagpapala ay ibibigay.


Titik: AGCabildo
Musika: Maori melody

NGAYO’Y NARINIG KO (I am Coming Lord)

2

NGAYO’Y NARINIG KO

(I am Coming Lord)

Ngayo’y narinig ko, Cristo, ang tawag Mo.
Upang linisin ng dugong nagos sa Kalbaryo.

Koro:
Narito ako, tunay na Iyo;
Linisin ng dugo Mong
Nagos sa Kalbaryo.

Cristo, ako’y hamak, kaya’t bigyang lakas;
Puso ko’y gawing busilak hanggang maging wagas.

Ngayon na ang araw upang maging sakdal;
Sa buhay at karanasan ay magpakabanal.

Bawa’t gumaganap at may pusong wagas
Na kay Jesus ay tumanggap ang s’yang maliligtas.


Musika:  LHartsough

Dumudulog Ako, Ama (Forever Here My Rest shall be)

1

Dumudulog Ako, Ama
(Forever Here My Rest shall be)

Dumudulog ako, Ama
Upang italaga
Ang katawan at kaluluwa
Sa ‘yong pagpapasiya.

Dumudulog, lumuluha,
Nagmamakaawa,
O Dios namin ang pithaya,
Lingap at kalinga.

Dumudulog akong tunay,
Ako ay hugasan,
Nabuhos na dugong banal
Ni Jesus na mahal.

At ang iyong Diwang Banal
Sa aki’y itanglaw,
Upang hindi na masinsay
Sa tunay na daan.


Musika: DEWilliams

LATEST POST

AMA, AKO’Y DUMUDULOG (O Master, Let Me Walk with Thee)