Saturday, May 8, 2021

TAYO’Y MAGLAKBAY SA CANAAN (Marching On To Canaan)

 106

TAYO’Y MAGLAKBAY SA CANAAN
(Marching On To Canaan)

Tayo’y maglakbay sa Canaan, si Jesus ang kaakbay,
Sa dakong ilang na daanan, lagi S’yang kaagapay,
Sa hirap o sa panganib, tayo’y di maaamis,
Si Cristo ang tatangkilik, sa daa’y maghahatid.

Koro:
Di magbabago
Paglakad sa saganang lupa ng Canaan;
Di magbabago 
Si Cristo sa atin ay pumapatnubay;
Di magbabago 
Paglakad sa saganang lupa ng Canaan;
Di magbabago 
Sa paglakad sa masiglang paglalakbay.

Sa dakong ilang na nilakad ang mana ay tinanggap,
Tulad sa hamog kung malaglag, sa daa’y kumakalat
Tubig na pamawing uhaw, galing sa Batong Buhay,
Sa pagkai’y di kinulang sa mahabang nilakbay.

Dagat at ilang ang nilakbay tungong lupang Canaan,
Gatas at pulot na dalisay masaganang kinamtan,
Sa araw’y haliging ulap, at ningas sa magdamag.
Ang patnubay na liwanag sa nilakad na landas.

Tayo ay lumakad nang datnin, langit nating mithiin,
Hirap ay h’wag alintanahin, si Jesus ay kapiling.
Ang lupang pangako’y atin, tayo’y di maninimdim,
Kung puso’y ialay natin, ang l’walhati’y kakamtin.


Titik:  ObMBValdez

No comments:

Post a Comment

LATEST POST

AMA, AKO’Y DUMUDULOG (O Master, Let Me Walk with Thee)