21
SI JESUS SA IYO’Y TUMATAWAG
(Jesus Is Calling)
Si Jesus sa iyo’y tumatawag,
Lumapit ang may pasang mabigat,
Iibsan ang kalul’wang may hirap,
Sa ’yo ay tumatawag.
Koro:
Siya’y banayad na tumatawag (Banayad na tumatawag)
Samantalang h’wag magluwat;
Siya’y banayad na tumatawag, (banayad na tumatawag)
Ngayo’y lumapit nang maligtas.
Ikaw na malaong napaligaw
Anyaya’y dinggin, h’wag magdahilan;
H’wag tikising si Cristo’y maghintay,
Ikaw’y tinatawagan.
Hinahanap kang buong pagliyag,
Sa kabunduka’t dilim ng gubat,
Magbalik ka’t may laang paglingap,
Si Cristo’y tumatawag.
Titik: BBRada
Musika: FSShepard
No comments:
Post a Comment